Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Magdyowa naospital sa vaginal lock

110414 affairKALIBO, Aklan – Kumakalat sa isang bayan sa Aklan ang impormasyon ukol sa magkasintahan na magkapatong at nakatakip ng kumot nang isugod sa isang ospital sa Iloilo City.

Ayon sa impormasyon, kinompirma ng mga residente sa naturang bayan ang balita, ngunit hindi nila alam kung sino ang mga taong pinaghihinalaang may kinalaman dito.

Sinasabing nasa “climax” na ng panandaliang ligaya sa isang beach resort ang babae na  may asawa at ang kanyang kalaguyo na wala pang asawa, nang bigla na lamang “nag-lock” ang bungad ng private part ng babae, dahilan para maipit ang ari ng lalaki at hindi na nahugot.

Nag-panic ang dalawa at pinilit na takpan ng kumot ang magkapatong nilang katawan at humingi ng tulong sa staff ng resort upang madala sa ospital.

Samantala, ipinaliwanag ni Dr. Cesar Yap, isang urologist, walang katotohanan ang tinatawag na tiwil o ang paglalagay ng pinatuyong ari ng isang pawikan sa bulsa ng naglolokong asawa upang hindi matanggal ang ari niya sa oras na makipagtalik sa kanyang kalaguyo.

Ang tawag aniya sa naturang kondisyon ay vaginal captivus, na may tendency na manigas at magsara ang vaginal opening sa panahon ng orgasm, ngunit tumatagal lamang ito ng ilang segundo.

Sinabi ni Dr. Yap, may napabalita na rin noong unang panahon sa Aklan na may dumanas ng vaginal captivus ngunit tsismis lamang dahil walang nadokumentong may mag-partner na dinala sa emergency room sa mga ospital dahil sa naturang kondisyon.

Sa ngayon ay patuloy na bineberipika ang naturang impormasyon.

Taon 2010 nang masangkot sa kontrobersya ang dating celebrity couple na sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao dahil sa sinasabing vaginal lock, bagay na pinabulaanan ng dalawa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …