Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Legal na pag-aampon ni Zanjoe kay Baby Jana sa “Dream Dad” pinag-uusapan na (Cutest Kapamilya Tandem may grand fans day bukas sa Ayala Fairview Terraces)

121514 zanjoe dream dad

00 vongga chika peterBUO na ang loob ng karakter ng Kapamilya leading man na si Zanjoe Marudo na maging isang ama sa kuwento ng nangungunang primetime TV series sa bansa na “Dream Dad.”

Ngayong mas napamahal na siya sa ulilang bata na si Baby (Jana Agoncillo), gagawin na ni Baste (Zanjoe) ang lahat upang gawin nang opisyal ang pag-ampon rito. Paano haharapin ni Baste ang mga responsibilidad ng isang ama ngayong wala pa siyang asawa? Ano ang kanyang gagawin sa oras na bumalik ang tunay na ina ni Baby na si Bebeth (Yen Santos) at bawiin ito sa kanya?

Samantala, bilang pasasalamat sa pagsuporta ng TV viewers isang magandang buhay at hapong puno ng good vibes ang ihahatid ng cutest Kapamilya couple na sina Zanjoe at Jana ngayong Sabado (Enero 31) sa gaganaping grand fans’ day sa Ayala Fairview Terraces sa ganap na alas-singko ng hapon. Kasama rin nina Zanjoe at Jana ang kanilang co- stars na sina Beauty Gonzales, Yen Santos, Katya Santos, Ketchup Eusebio, at Maxene Magalona. Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng feel-good family drama series na magpapangiti sa puso ng viewers, “Dream Dad,” gabi-gabi, pagkatapos ng “TV Patrol” sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng “Dream Dad,” bisitahin lamang ang official social networking sites ng programa sa Facebook.com/DreamDadOfficial, Twitter.com/DreamDadTV, at Instagram.com/DreamDadTV. Maaari na rin panoorin ang full episodes o past episodes ng “Dream Dad” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.

EXCITING NA GRAND FINALS NG GAYANG-GAYA SIYANG-SIYA BUKAS NA SA BROADWAY STUDIO NG EAT BULAGA

Malaking tulong talaga ang makeup transformation na pinauso ni Dabarkads Paolo Ballesteros para sa lahat ng mga sumali sa Gayang-Gaya Siyang-Siya (GGSS) sa Eat Bulaga partikular na sa 8 grand finalists na magco-compete bukas (Sabado) na gaganapin sa Broadway Studio ng Eat Bulaga.

Kasi nagiging kamukha talaga ng lahat ang mga ginagaya nilang foreign and local artist. And among the finalists, na kinabibilangan nina Iggy Azalea Salonga (Australian recording artist-model na si Iggy Azalea), Pinatawag Biglang Turner (Tina Turner), Taylor Sweep (Taylor Swift), Michael Jackstone (Michael Jackson), APL De Up and Down (APL de App), Beyon-Say My Name Say My Name (Beyonce), Charing Pempengco (Charice Pempengco) at PSY na si Psy-walk vendor.

O ‘di ba sa pangalan pa lang may aliw factor na paano kapag napanood pa ninyo ang kanilang mga performance sa kanilang judgment day tomorrow. Siguradong pati kayo ay mapapahanga sa mga Dabarkads natin na gayang-gaya ang mukha at siyang-siya sa pagli-lypsinc. Abangan rin kung sino ang bubuo sa panel of judges na mga pipili kung sino ang deserving na tanghaling kauna-unahang Grand winner sa GGSS.

 

ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …