Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jake at Bea, okey daw sila, may pinagdaraanan lang

012915 Jake vargas Bea Binene

00 fact sheet reggeeBREAK na nga ba sina Bea Binene at Jake Vargas?

Ito ang iisang tanong ng entertainment press na dumalo sa presscon ng Liwanag Sa Dilim mula sa APT Entertainment na idinirehe naman ni Richard Somes.

Kapansin-pansin kasi ang hindi pagkikibuan ng dalawa maski na magkatabi pa sa presidential table.

Walang humpay na tinanong sina Jake at Bea kung hiwalay na sila.

“Okay naman kami,” mabilis na sabi ni Jake.

Walang gustong maniwala kay Jake kaya si Bea ang tinanong at hindi naman nakaiwas pa ang dalaga.

“Parang ang hirap i-turn into words. Basta kung anuman kami ngayon, okay kami, kumbaga, nasa pahahon lang ‘yan. Kung anuman ‘yun, maaayos din naman for sure. Maaayos din ‘yun kahit ano po ‘yun. Basta kami, okay okay kami,” pagtatapat ng dalaga.

Sinang-ayunan na rin ni Jake at sa tanong kung may pinagdaraanan silang dalawa, ”opo, pero okay po kami,” diin pa rin ni Jake.

Samantala, biggest movie nina Jake at Bea ang Liwanag sa Dilim at pangatlong pelikula na nila ito at ngayon lang sila naging bida.

Aminado nga si Bea na pressured sila ni Jake, “siyempre, hindi naman mawawala ‘yung pressure kasi siyempre, iba naman ito sa TV. Dito, kailangan pang magbayad ng mga tao para manood ng pelikula. Basta ito, para sa akin, itong pelikulang ito, something to be proud of talaga. Nakaka-proud po siya and maganda po talaga.

“Lahat naman kami, nandoon ‘yung pressure, and we’re all praying and hoping na maging maganda ang kalalabasan ng pelikulang ito.”

Mapapanood na ang Liwanag Sa Dilim sa Pebrero 11 for APT Entertainment.

 

ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …