Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arnell, na-miss ang pagho-host

 

ni John Fontanilla

013015 Arnell Ignacio

BALIK-HOSTING ang actor/singer/businessman na si Arnell Ignacio via Solved na Solved kasama ang kaibigang si Gelli De Belen.

Tsika nito, “Nami-miss ko talaga ‘yung hosting, ilang taon din akong nabakante.

“Kaya nga very thankful ako sa TV5 at kay Ma’am Wilma Galvante at isinama ako sa bagong public service program na ‘ Solved na Solved’.

“Kaya balik hosting na naman ako, pero this time pang-public service naman ako ha ha ha.

“Akala ko nga pang-acting na lang ako, kasi nalilinya na ako sa pag-arte sa pelikula at stage.

“And take note ha! Nag-acting workshop pa ako at mga taga-Hollywood ang nag-facilitate, bongga ‘di ba.

“Pero iba pa rin ang hosting, ‘yun talaga ‘yung namiss ko.

“Namimis ko rin noong nagsisimula pa ako bilang host kasama si Ai Ai (Delas Alas) ‘yung dire-diretso lang, nakaka-miss ‘yun.

“’Yung talk show na tawanan lang kayo ng tawanan masaya ‘yun, ‘yun talaga ‘yung name-miss ko.

“Ngayon kasi iba na sobrang laki ng pagbabago, ‘ di tulad noon fun lang , masaya ‘yung trabaho,” pagtatapos ni Arnell.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …