Monday , December 23 2024

Alboroto ng pulis, militar inismol ng Palasyo

PNOYmitsuMINALIIT ng Palasyo ang pag-aalboroto ng mga pulis at militar sanhi ng madugong enkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao na ikinamatay ng 44 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF).

Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., hindi madadaan sa event analysis ang pagtutuwid sa mga naging pagkukulang o kamalian sa naging operasyon sa Mamasapano.

Bwelta ni Coloma sa kanila, huwag tawaran ang pagsasakripisyo ng napatay na mga pulis sa pamamagitan ng paglilihis ng atensyon doon sa mga mas mahalagang dapat pagtuunan ng pansin.

Dapat aniyang pagtuunan ng pansin ang digmaan laban sa terorismo at ang prosesong pangkapayapaan, kaysa punahin ang kakulangan sa naging operasyon sa Mamasapano.

Ngunit nananalig ang Palasyo na gagamit ng katuwiran at tamang pagninilay at tiwalang nauunawaan nila ang kahalagahan ng paglilingkod sa bayan, ang mga desmayadong pulis at sundalo. Kamakalawa, nanawagan si Philippine National Police Alumni Association Inc. (PNPAAI) chairman retired General Tomas Rentoy sa lahat ng PNPA graduates na magsagawa ng mass leave bilang pagpapakita ng galit sa masaker sa Mamasapano.

Habang ang Association of Generals and Flag Officers (AGFO) ay sinabi na mas marami pang dapat gawing aksiyon ang administrasyong Aquino kaysa maglabas lang ng mga pahayag.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *