ni Alex Datu
HANGGANG ngayon ay pinaninindigan ni Ai-Ai delas Alas ang mensahe ng kanyang signature song na I Will Survive. Mahalaga sa kanya ang awitin ito dahil inilalarawan nito ang kanyang buhay.
“Lahat ng unos kailangan ko siyang ano …, kung hindi ko siya ma-survive, kailangan ko siyang i-survive. Wala namang babae na gustong mapariwara ‘yung marriage niya, ‘di ba?” anito.
In fairness, inamin nito na rati ay maligaya ang kanyang puso pero dahil ups and down ang buhay niya. Nataong nasa down siya ngayon ng kanyang buhay-pag-ibig. ”Ganyan talaga ang buhay at parati na lang natin tatandaan na kahit nasa baba ka ngayon, darating ang panahon na babangon ka.”
Kaya naman nang tanungin siya tungkol sa kanyang present lovelife ay tikom ang bibig. ”Si Papa Richard na lang ang pag-usapan natin kasi siya naman ang kasama ko sa show. Remember, ako ang kanyang naging first leading lady noon sa ‘My Binondo Girl’. At ako, ako ang kanyang unang naka-lips-to-lips doon sa soap.”
Reunited sina Ai-Ai at Richard Yap Ai Heart Papa concert.
Swak ang Valentine concert ni Aileen (tawag kay Ai Ai) dahil puno ito ng tawanan at pag-iibigan.
Halatang physically fit si Ai-Ai nowadays at aniya, talagang pinaghandaan niya ito kasi gusto niyang magsimula uli at gawin muli ang kanyang unang pag-ibig, ang mag-show o mag-concert. Kung siya ang masusunod, puro concert muna ang kanyang gagawin pero may nakahanda siyang pelikula para sa darating na Metro Manila Film Festival 2015.
Masasabing malaking event ito sa karir ng komedyana dahil ito ang kick-off sa kanyang ika-25 years sa showbiz at magtatapos ito sa pamamagitan ng isa pang major concert sa November 14 na gaganapin sa SM MOA Arena, handog ng Showbiz Mansion Entertainment. Kasama rin sa Valentine show ang G-Force Dancers, Ms Faith Cuneta, at Club DJ David Ardiente withHomer Flores (musical director), Ricky Lopez (writer) and to be directed by GB Sampedro.
And speaking of Showbiz Mansion Entertainment, nakasusap namin si Faith, isa sa mga namamalakad ng concert company at aniya, noon pa siya fan ng Comedy Concert Queen kaya ngayon ay masaya siya dahil sila ang magpo-produce ng 25th anniversary nito.
“We want to prove na ‘in’ pa rin si Ai-Ai kahit sa mga pelikula at TV lang siya visible ngayon. Ang galing-galing niyang concert artist kaya alam kong marami pa rin ang gusto siyang mapanood. Alam mo, tayong Filipino kahit marami sa ating mga kababayan ang may pinagdaraanan, nakukuha pa nating ngumiti at tumawa kaya gusto ko masaya. Si Ai-Ai ‘yung patatawanin ka hindi niya kailangang mag-eemote so, masaya siya. At saka alam naman ng lahat na magaling siyang concert performer.”