Tungkol naman sa tsikang break na sina Jake at Bea Binene ay wala raw alam si direk Richard dahil habang idinidirehe raw niya ang dalawa ay wala siyang napansing magkagalit dahil nakita niyang inaalagaan nila ang isa’t isa.
“I just realize how easy to shoot kapag love team, kasi madali lang i-tweek kapag kilig na moments, maraming kilig moments kasi rito (‘Liwanag Sa Dilim’).
“For me as a director, what exciting to direct a love team is always parang first time, parang high school noong ikaw mismo noong na-in love na (nakatikim) nang nabasted ka, nabigo ka. ‘Yun ang feeling na early morning gusto mo ng pumasok sa school kasi gusto mo ng makita ‘yung crush mo.
“Sobrang laki ng reflection nilang dalawa (Jake at Bea) sa set parang hindi mo sila puwedeng ihiwalay. Pero wala akong na-notice na nagkatampuhan sila sa set.
Sa kabilang banda, inamin ni direk Richard na fascinated siya ng horror films kaya pinangarap niyang gumawa ng tatlong pelikula at natupad na, Yangaw produced ng Cinema One Originals, Corazon na produced ng Skylight Films/Star Cinema, at itong Liwanag Sa Dilimmula naman sa APT Entertainment.
“It’s a good movie, it’s a different love story na mai-inlove kayo, kaya panoorin ninyo,” say ni direk Richard na palabas na sa Pebrero 11.
Bukod kina Bea at Jake ay kasama rin sa pelikula sina Iggy Boy Flores, Sunshine Cruz, Dante Rivero, Freddie Webb, Sarah Lahbati, at Rico Blanco.
ni Reggee Bonoan