Monday , December 23 2024

Marwan buhay pa

FRONTBUHAY pa si Jemaah Islamiyah (JI) terrorist group bomb expert Zulkifli Abdul bin Hir, a.k.a Marwan at ang itinuturing na “US most wanted man.”

Ito ang sinabi ng isang impormante sa Hataw kahapon taliwas sa pahayag ng Palasyo na napatay si Marwan sa naganap na enkuwentro ng mga kasapi ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) at pinagsanib na pwersa ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Mamasapano, Maguindanao noong Lunes.

Ayon sa source, isang araw bago sumalakay ang SAF sa Mamasapano ay nakatakas na si Marwan sa area at iniwan niya ang ginagamit na cellular phone sa kanyang bodyguard na Indonesian JI member.

“Kaya kahit nasabat ng bugging device ng US troops ang tawag sa cellular phone ni Marwan sa Mamasapano, hindi na pala siya ang gumagamit kundi ang kanyang Indonesian bodyguard,” anang source.

Sinasabing sinadya ni Marwan na kumuha ng ka-lookalike niyang bodyguard  para malinlang ang mga awtoridad.

Si Marwan, isang Malaysian, ang sinasabing in charge sa south eastern Asian at Indonesian terrorist group na tinaguriang Kumpulan Mujahidin Malaysia, isang organisasyon na bahagi ng JI, at nasa likod ng 2002 Bali bombings na ikinamatay ng 202 katao, kabilang na ang Australian, Indonesian, British, American, Swedish at Danish citizens.

Marunong magsalita ng wikang Malay, Tagalog, English at Arabic si Marwan at pinaniniwalaang supplier siya ng mga bomba sa iba’t ibang terrorist groups sa buong mundo.

Natutong gumawa ng bomba si Marwan kay Azahari Husin, kilala bilang “demolition man,” na utak ng Bali bombing at ang kanyang kaalaman ay ibinahagi niya sa Muslim extremists sa Mindanao.

Ipinag-utos ng United States District Court sa California noong Agosto 2007 ang pag-aresto kay Marwan at nag-alok ang US government ng $5-M reward para sa ikadarakip niya, kaya ang mga kapatid ni Marwan na sina Rahmat Abdhir atTaufik bin Abdul Halim ay parehong nakapiit sa US bunsod nang pagkakasangkot sa terorismo. 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *