Monday , December 23 2024

Mamasapano massacre isinisi ni PNoy kay Napeñas

napeñasIBINUNTON ni Pangulong Benigno Aquino III ang lahat ng sisi kaugnay sa madugong enkwentro sa Mamasapano, Maguindanao sa sinibak na si Philippine National Police- Special Action Force (PNP-SAF) chief, Supt. Getulio Napenas.

Inamin ng Pangulo sa kanyang President’s Message to the Nation kagabi na sa kabila ng paulit-ulit niyang paalala sa pangangailangan ng koordinasyon, sinagad ni Napeñas ang “very minum compliance” sa kanyang atas.

“Kung may compliance pong nangyari sa atas kong siguruhing may sapat na koordinasyon, parang sinagad po itong very minimum compliance,” ani Aquino hinggil kay Napeñas.

Giit ng Pangulong, paulit-ulit niyang ipinaalala kay Napeñas ang pangangailangan ng koordinasyon dahil matataas na opisyal ng Jemaah Islamiyah terrorist group ang target ng operasyon na sina Abdulbasit Usman at Zukipli Bin Hir alias Marwan.

“Sa paulit-ulit kong pagpapapaaala sa pangangailangan ng koordinasyon, ang isinagot po s a akin ng director ng SAF, “Yes Sir,” sabi pa ng Pangulo.

Sa kabila nito’y walang direktang pag-ako ang Pangulo na siya ang nagbasbas kay Napeñas na ilunsad ang Mamasapano operations.

Inabsuwelto ng Pa-ngulo sa pananagutan sa madugong enkuwentro sina suspended PNP chief Director General Alan Purisima at Executive Secretary Paquito Ochoa na naunang napaulat na nagbigay ng basbas kay Napeñas.

Idineklara niya bukas (Enero 30) bilang National Day of Mourning bilang pagkilala sa kada-kilaan ng mga bayaning nag-alay ng buhay tungo sa minimthing kapayapaan.

Nanawagan ang Punong Ehekutibo sa MILF na ibalik ang mga armas na kinuha mula sa 44 kasapi ng SAF na namatay sa Mamasapano at kilalanin ang mga lumahok sa marahas na insidente.

Tiniyak din niya sa mga naulila na bibigyan ng ayuda ng pamahalaan alinsunod sa mga umiiral na batas.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *