ni Vir Gonzales
AKALA noon, mailalaglag si Julia Montes dahil may kaparehang pangalan. Subalit hindi nagpatalo si Julia. Maganda ang PR at walang negatibong imahe.
Mabait sa nanay niya ang aktres. Kamuntik na nga mag-reyna sa Dos, kaso lang nagsulputan ang mga bago.
But still, may sariling karisma si Juli. Katunayan, may movie sila ni Gerald Anderson, ang Halik sa Hangin.
Project sa Sto. Domingo ni Amor, ipinagmalaki
NAIMBITAHAN kami minsan na dumalo ng aktres na si Amanda Amores sa get together ng Barangay Sto. Domingo ladies group na presidente siya.
Ipinagmamalaki niya sa amin ang mga project na nagagawa nila ng Vice President niya na si kagawad Aida Bautista, look alike nina Helen Gamboa at Mila Montez.
Nadiskubre rin naming ang anak pala niyang kagawad si Michelle China Yu, ang nagpalagay ng ilaw sa mga poste sa mga madidilim na lugar ng Sto. Domingo.