ni Vir Gonzales
TAMA ang naging desisyon ni John Lloyd cruz, huwag lumipat ng ibang network.
Ilan kasi sa mga lumipat, nalagay sa alanganin. Nariyang nakahilera ang project na ipinangako ng lilipatan, puro drawing lang naman pala ang ending.
Sayang si John Lloyd kung mapupunta lang sa ibang network, pagkaraan kung ano-anong ibibigay lang na papel. Tatlong buwan ding pinag-isipan ang naturang desisyon ng actor. Mabuti nga, may mga commercial siya sa TV, kundi baka nakalimutan na ng fans.
Nagsusulputan kasi mga baguhan sa ABS-CBN at may mga potential. At higit sa lahat, mga bata. Fresh looking.