Monday , December 23 2024

Imahe ng Sto. Niño may dugo sa daliri (Sa Tacloban)

sto ninoTACLOBAN CITY – Makalipas ang isang linggo nang bumisita ang Santo Papa sa Leyte, ang imahe ni Santo Niño na inilagay sa labas ng Balyuan Convention Center sa Siyudad ng Tacloban ay sinasabing nakitang may nabuong tuyong dugo sa dalawang daliri sa kanang kamay.

Una nang nag-imbestiga rito ang Santo Niño Parish at ayon kay Father Oliver Mazo, wala pa silang awtorisasyon para ipahayag ang resulta ng kanilang imbestigasyon.

Dagdag niya, wala kahit sino ang may alam kung sino ang naglagay ng imahe sa nasabing opisina.

Habang ayon sa mga empleyado ng City General Services, sila mismo ay nakasaksi ng naturang pagdurugo sa daliri ng santo.

Samantala, Kinompirma ni Father Amadeo Alvero, social communications director ng Archdiocese of Palo, nagpapatuloy ang imbestigasyon at mayroong nang grupo na nagbeberipika kung ito nga ay himala o gawa lamang ng tao.

Samantala, ipinagdiriwang ang pista ng Santo Niño sa Tacloban City sa Hunyo 30.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *