BUO na ang loob ng karakter ng Kapamilya leading man na si Zanjoe Marudo na maging isang ama sa kuwento ng nangungunang primetime TV series sa bansa na Dream Dad.
Ngayong mas napamahal na siya sa ulilang bata na si Baby (Jana Agoncillo), gagawin na ni Baste (Zanjoe) ang lahat upang gawin ng opisyal ang pag-ampon dito.
Paano haharapin ni Baste ang mga responsibilidad ng isang ama ngayong wala pa siyang asawa? Ano ang kanyang gagawin sa oras na bumalik ang tunay na ina ni Baby na si Bebeth (Yen Santos) at bawiin ito sa kanya?
Samantala, bilang pasasalamat sa pagsuporta ng TV viewers, isang magandang buhay at hapong puno ng good vibes ang ihahatid ng cutest Kapamilya couple na sina Zanjoe at Jana ngayong Sabado (Enero 31) sa gaganaping grand fans’ day sa Ayala Fairview Terraces, 5:00 p.m.. Kasama rin nina Zanjoe at Jana ang kanilang co-stars na sina Beauty Gonzales, Yen Santos, Katya Santos, Ketchup Eusebio, at Maxene Magalona.
Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng feel-good family drama series na magpapangiti sa puso ng viewers, Dream Dad, gabi-gabi, pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng Dream Dad, bisitahin lamang ang official social networking sites ng programa sa Facebook.com/DreamDadOfficial, Twitter.com/DreamDadTV, at Instagram.com/DreamDadTV.
ni Reggee Bonoan