Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Richard, ipinagtanggol si Xian; pagka-dedicated sa trabaho pinuri

Direk Richard Somes photo by Glen Sibonga

00 fact sheet reggeeSA ginanap na presscon ng Liwanag sa Dilim na idinirehe ni Richard Somes for APT Entertainment ay hindi siya tinigilan ng entertainment press tungkol kay Xian Lim ng malamang isa siya sa director ng Bridges of Love na pagbibidahan nina Jericho Rosales, Maja Salvador, at ang bagong pasok na si Paulo Avelino.

Natanong kasi si direk Richard kung napanood niya ang pelikulang Bonifacio ni Robin Padillana entry sa nakaraang MMFF at sinabing naging sobrang busy daw siya noong December dahil sa kaliwa’t kanang tapings ng serye sa ABS-CBN.

Tinanong tuloy si direk Richard kung anong seryeng ginagawa niya at nabanggit niya angBridges kaya ang ending, kinulit na siya tungkol nga sa pagkawala ni Xian.

In fairness kay direk Richard, todo ang pagtatangol niya kay Xian at wala raw katotohanan lahat ng mga nasulat o blind item dahil ni minsan daw ay hindi nag-retake sa mga eksena niya ang love team ni Kim Chiu.

Ang tunay na rason daw kaya na-pull out si Xian sa Bridges ay para sa bagong serye nila niKim Chiu, ”maraming demands ang Kim at Xian, kaya muli silang pinagsama, nami-miss na ‘yung partnership at ‘yun ang nabasa ko sa social media at naririnig ko.

“But aside from that, wala ng ibang balita pa, walang problema si Xian pagdating sa taping, in terms of acting.

“Honestly, outsider ako na director, I haven’t seen na problem about Xian or bakit pinalitan, wala akong problema. At first hand, nakita ko kung paano ka-dedicated si Xian sa work niya. Gaano niya kamahal ang role niya.

“Nakapag-take na kami ni Xian, huwag na lang nating pansinin ‘yung lumalabas na (maraming takes), hindi ‘yan ang totoo,” mahabang paliwanag ni direk Richard.

Dagdag pa, ”kung ano ‘yung in-announce ng ABS-CBN (pagkawala ni Xian) is due to public and audience demand ‘yun lang ‘yun. Most of the blind items naman hindi ano (totoo).

“Xian is a very good actor, na-surprise ako sa range na puwede niyang magawa, kaya nga siguro mas marami siyang projects ngayon.”

Hindi lang si Xian ang puring-puri ni direk Richard, kundi ang bida sa Liwanag Sa Dilim na siJake Vargas na gulat na gulat din daw siya sa galing nitong umarte.

“’Yun ang exciting kasi sa artista kapag na-surprise ka na maraming range na maibigay ang mga artista, minsan mahirap kasi hindi mo mapi-predict kung ano ang kayang gawin ng isang artista sa mga karakter nila. So kung in terms of makahabol sa mga artista ng ABS-CBN, maka-pull off, kaya naman,” kuwento ni direk Richard.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …