Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Paul, kompirmadong nag-propose na kay Toni!

012915 direk paul soriano toni

00 fact sheet reggeeMAY nag-text sa amin na nag-propose na raw si Direk Paul Soriano kay Toni Gonzaga noong Martes ng gabi na ginanap sa Resorts World.

Base sa kuwento sa amin, close friends at family lang daw ang present sa proposal party at iyak ng iyak nga raw si Toni kasama na ang magulang niya dahil nakita nila kung gaano kamahal ng pamilya Soriano ang TV host/actress.

Nabanggit pa na walang taga-media na present sa event dahil ayaw daw talaga itong ipa-cover ni direk Paul dahil ayaw niyang maging circus o karnabal.

Sa tanong namin kung bakit hindi sinipot ni Toni ang The Buzz noong Linggo, ”ayaw niya kasing magsalita tungkol sa fiancé thing na sinabi ni Sandy (Andolong). At saka baka nga madulas siya,” sabi sa amin ng taong may alam sa isyu.

Sinubukan naman naming tawagan ang ina ni Toni kahapon na si Mommy Pinty Gonzaga pero sobrang busy ng linya.

Abangan ang susunod na kabanata, Ateng Maricris.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …