ni Ed de Leon
VALID naman ang reklamo ni Robin Padilla na mahihirapang kumita ang mga pelikula kung inaalisan iyon ng sinehan. Hindi ba iyan din naman ang reklamo ni Nora Aunor noong alisan ng sinehan ang kanyang pelikula? Pero natural lang iyon dahil ayaw naman siyempre ng mga sinehan na pati sila ay madamay sa lugi ng pelikula.
Kung mananatiling marami ang mga sinehan, mahahati lang ang mga taong manonood. Hindi kikita ang mga sinehan at ang producers ng pelikula ay masisingil pa ng minimum guarantee. Ibig sabihin, hindi na sila kikita, mag-aabono pa ng pambayad sa mga sinehan.
Iyan ang iniiwasan kaya ang mga pelikula festival man o hindi, at inaalisan ng mga sinehan kung mahina talaga ang kita.