Monday , December 23 2024

Bebot na may sayad nakalusot sa Korea

incheon airportKALIBO, Aklan – Nakalusot sa mahigpit na pagbabantay ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group sa Kalibo International Airport (KIA) ang isang babae na sinasabing may diperensiya sa pag-iisip.

Ito’y makaraan makaakyat ng babaeng kinilalang si Leah Castro Reginio, 30, residente ng Brgy. Aureliana, Patnongon, Antique sa eroplanong papuntang Incheon, South Korea, bagama’t walang kaukulang travel documents.

Nalusutan niya ang mahigpit na seguridad, immigration at ground personnel ng airport sa entrance at boarding gates.

Napag-alaman, ang Philippine Airlines direct flight PR 490 mula sa KIA papuntang Incheon, ay umalis dakong 5:34 p.m. sakay ang mga Korean tourist na katatapos lamang magbakasyon sa isla ng Boracay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP)-Aklan, nakihalubilo ang babae sa iba pang mga pasahero kaya hindi siya napansin.

Nang lumapag ang eroplano sa Incheon International Airport, nahuli si Reginio ng Korean Immigration airport authorities at nang walang maipakitang passport, ticket, boarding pass at iba pang dokumento ay agad pinabalik sa Kalibo International Airport sakay ng PAL flight PR 489.

Si Reginio ay ligtas na naibalik sa kanyang pamilya.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *