Monday , December 23 2024

BBL maaaring ‘di maipasa

BBLAMINADO ang liderato ng Senado na nangangamba silang hindi maipasa ang isinusulong na Bangsamoro Basic Law (BBL) bunsod nang nangyaring sagupaan ng pulisya at Moro Islamic Liberation Front (MILF) na ikinamatay ng mahigit sa 40 Special Action Force (SAF) sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon kay Senate President Franklin Drilon, posibleng marami ang magiging emosyonal sa masaklap na sinapit ng mga miyembro ng SAF sa kamay ng MILF at magiging hadlang sa pagsasabatas ng BBL.

Gayonman, ani Drilon, sa kabila ng insidente ay sisikapin pa rin ng Senado na maipasa ang panukala sa Marso.

Binigyang-diin ng pangulo ng Senado, kung hindi maipasa ang BBL ay mangyayari muli ang mga kaguluhan sa Mindanao at mismong mga residente ang maapektohan ng patuloy na kaguluhan.

Magugunitang sinuspinde na rin ni Senate local government committee chairman Sen. Bongbong Marcos ang mga pagdinig sa BBL hangga’t hindi nabibigyang linaw ang pagkapaslang sa mga miyembro ng SAF.

Dalawang senador na ang bumawi ng kanilang co-sponsorship sa BBL na kinabibilangan nina Sen. Alan Peter Cayetano at Sen. JV Ejercito.

Dalawang resolusyon na rin ang inihain sa kapulungan para imbestigahan ang Mamasapano encounter at itinakda ang Pebrero 4 ang unang pagdinig.

Niño Aclan

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *