Monday , December 23 2024

All-out war vs MILF ibinasura ng Palasyo

PNOY EBRAHIMIBINASURA ng Malacañang ang panukala ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada na all out war lamang ang solusyon sa secessionist problem sa Mindanao at hindi dapat pagkatiwalaan ang grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Magugunitang nagdeklara noon ng all out war si Estrada laban sa MILF at nakubkob ang mga kampo ng MILF at napahina ang kanilang pwersa.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, dapat bigyan ng pagkakataon ang kapayapaan dahil ang matagal na digmaan ay hindi nagresulta sa ganap na solusyon.

Ayon kay Coloma, hindi mareresolba ng digmaan ang kahirapan at kawalan ng oportunidad sa pag-unlad ng kabuhayan sa Mindanao.

“Binibigyan natin ng pagkakataon ang kapayapaan sapagka’t ang matagal na panahong pakikipagdigma ay hindi humantong sa ganap na solusyon sa problema ng kahirapan at kakulangan ng oportunidad para sa pag-unlad ng kabuhayan sa Mindanao,” ani Coloma.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *