Friday , November 15 2024

44 SAF na minasaker sa Maguindanao hindi tatalikuran ng pamahalaan — Roxas

killed SAF

TINIYAK ni Department of Interior ang Local Government Secretary Mar Roxas na bukod sa pakikiramay ng buong pamunuan ng National Police Commission (Napolcom), Philippine National Police (PNP) at DILG, magbibigay din ng tulong ang pamahalaan sa pamilya ng mga pulis na namatay at nasugatan sa Mamasapano, Maguindanao.

Sa pulong balitaan na ginanap sa Camp Crame kahapon, sinabi ni Roxas na hindi pababayaan ng pamahalaan ang mga naulilang pamilya ng Special Action Force (SAF) Unit ng PNP.

“Makaaasa kayo na hindi po kayo iiwan. Lahat po ng tulong o ayuda na karapat-dapat sa inyo ay sisiguruhin natin na makararating,” pahayag ni Roxas.

Inatasan naman ng kalihim si PNP Director for Comptrollership Rolando Purugganan para pangunahan ang pagkakaloob ng tulong sa pamilya ng 44 miyembro ng PNP-SAF na napatay sa enkuwentro at sa 12 iba pang operatiba na nasugatan.

Batay sa opisyal na pahayag ni Roxas, 392 operatiba ng SAF ang kasama sa paghahain ng warrant of arrest sa Malaysian bomb expert at wanted na international criminal na sina Zulkigli Bin Hir o mas kilala sa tawag na Marwan at Basit Usman na sinasabing miyembro naman ng Jemaah Islamiyah.

Ayon pa sa kalihim, bibigyan ng full honors ang mga napaslang na pulis samantala sasagutin ng pamahalaan ang funeral arrangements ng mga biktima  gayundin ang iba pang assistance na kailangan ng kaanak ng mga napatay at nasugatang kawani ng PNP.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *