ni Alex Brosas
EKSENA talaga ang ginawa ni Toni Gonzaga nang hindi siya umapir sa kanyang kanyang birthday celebration sa The Buzz.
Imagine, sa lahat ng episode ay sa mismong birthday presentation pa siya um-absent? Hindi ba’t nakakaloka ‘yon?
Aware na aware si Toni na pag-uusapan ang pag-absent niya kaya naman nagpadala ito ng mensahe sa show na next week ay aapir siya sa The Buzz para ipaliwanag ang kanyang side.
“I am just going through something personal,” say ni Toni.
Ano kayang personal something ang pinagdaraanan ni Toni? Mayroon ba itong kinalaman sa chikang engaged na sila ni Paul Soriano at nag-propose na ito sa kanya?
Anyway, marunong tumayming itong si Toni, ha. Alam niya kung kailan siya dapat pag-usapan, kung kailan siya dpaat gumawa ng sarili niyang eksenang kanyang-kanya lang.