ni RONNIE CARRASCO
CONFIRMED: tatakbong mayor ng Pasay City si Sharon Cuneta.
A registered voter myself ng naturang siyudad, ang kompirmasyong ito ay mismong nanggaling sa dapat sana’y nasa likod ng kandidatura ni Sharon until ang old reliable (by this we mean, takbo nang takbo, pero lagi namang talo!) is trying her luck again at the mayoral post.
Sey ng aming source na ilang beses na ring tumakbo bilang Konsehal pero laging bokya, “Talagang si Sharon ang susuportahan ko, kaso tatakbo si (pangalan ng makakalaban ng megastar), kaya roon na lang ako.”
Bluntly, tinanong namin ang aming kausap if he believes that Sharon stands a good fighting chance sa karera ng pagka-mayor, malabo raw. Katwiran niya, kung noon pa raw sana tumakbo si Sharon, she could have continued her father’s legacy.
Pero taliwas ang paniniwala ng batikang psychic na si Maricel Gaskel. Oo nga’t tumamlay ang showbiz career ni Sharon, but she can bounce back sa larangan ng politika.
Sang-ayon kami rito. Again, bilang rehistradong botante ng Pasay City, this early our support goes out to Sharon. Ang tulad ni Sharon—sa totoo lang—ang tipo ng politikong hindi magnanakaw sa kabang-yaman ng gobyerno!