ni Alex Brosas
AYAW pa ring paawat ni James Reid. Wala pa rin siyang pakialam kung maging topic man sa social media ang photo niya kasama ang isang non-showbiz girl.
Una, nakita silang magkayakap at hinalikan pa niya ang girl. Now, mayroong g lumabas na photo na magkasama silang dalawa together with Bret Jackson and Andi Eigenmann.
Nasa poolside ang apat, halatang ini-enjoy ang kanilang bonding together. Obviously, magkakabarkada ang apat, matagal nang magkakilala. Ang dating tuloy nila sa photo ay parang two couples ang nag-date.
Marami ang na-hurt na JaDine fans nang lumabas ang photo. Imbiyerna ang fans ni Nadine Lustre kay James. Bakit nga naman tila walang pakialam ang binata sa love team nilang dalawa.
Anway, para makabawi siguro rito ay nag-post ng picture si James na kasama si Nadine. Parang nanood sila ng concert together kaya sila magkasama.
Still, marami pa rin ang hate na hate si James for being with that non-showbiz girl. Ang dating kasi niya ay parang playboy. It also appears na parang walang ka-amor-amor itong si James kay Nadine. Na carry niyang makipaglandian sa ibang babae kahit na mayroon siyang ka-love team.
Actually, kasalanan din naman ng fans nila ‘yan. Alam na alam naman nilang all for show lang ang sweetness nina James at Nadine, na pang-love team lang silang dalawa.
Eh, ‘di magdusa kayong JaDine fans!!!