Monday , December 23 2024

Murder vs Pemberton kinatigan ng DoJ

122214 pembertonKINATIGAN ng Department of Justice (DoJ) ang kasong murder na isinampa ng Olongapo Prosecutor’s Office laban kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton dahil sa sinasabing pagpatay sa transgender woman na si Jeffrey Laude alyas Jennifer.

Ayon sa DoJ, sapat ang mga iniharap na  ebidensiya upang maes-tablisa na maaaring guilty ang US Marine sa kasong pagpatay kung kaya marapat lamang na iharap siya sa pagdinig ng korte.

Nakita anila base sa mga ebidensiya, ang patraydor na pagpatay kay Laude na sinakal nang patalikod, bagay na isa  sa  mga  basehan  upang isampa ang kasong murder.

Inabuso rin anila ni Pemberton ang kanyang buong lakas laban sa transgender at buong lupit na tiniyak niyang mamamatay ang biktima sa pamamagitan ng paglublob kay Laude sa toilet bowl.

Magugunitang hiningi ng Olongapo Prosecutor’s Office ang tulong ng DoJ upang suriin ang kanilang findings sa gitna ng pagdududa nang marami na kulang ang mga patunay na murder case ang dapat na isampa laban sa Amerikano.

Si Pemberton ay patuloy na nakakulong sa Camp Aguinaldo ngunit nasa ilalim pa rin ng kustodiya ng Amerika.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *