ni Vir Gonzales
SANA matuloy na ang planong MMK ng Superstar Nora Aunor. Matagal-tagal na ring gusto siyang mapanood ng mga tagahanga sa isang teleseryeng may kalidad at mahirap makalimutan.
May naka-usap nga kaming ilang artista, para raw incomplete ang pag-aartista kapag hindi ka pa nakalabs sa programang MMK ni Ms. Charo Santos.
Puro naman kuwento ‘yung iba na may gagawin si Guy pero wala namang napapanood. Sana, maayos na ang pag-uusap nina Guy at Ms. Charo kahit kasalukuyan pang nagpapahinga siKuya Germs.