Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jerome Ponce, excited sa seryeng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita?

012815 jerome ponce

00 Alam mo na NonieNAKARAMDAM ng excitement si Jerome Ponce sa bago nilang seryeng Nasaan Ka Nang Kai-langan Kita? na umeere na nga
yon sa ABS CBN pagkatapos ng Flordeliza. Nabanggit din niya ang pasasalamat sa Kapamilya Network sa tiwalang ibinigay sa kanya.

“Sobrang excited ako, happy, and challenged dito sa aming bagong serye. Kasi from light drama sa dati naming TV series ay binigyan nila ako ng heavy drama,” pahayag ni Jerome.

“Proud din ako sa ibinigay nilang tiwala, the way I work, the way I bring out the cha-racter.”

Matatandaang late last year, noong malapit nang magtapos ang seryeng Be Careful With My Heart na ginampanan niya ang papel na isa sa anak ni Sir Chief (Richard Yap), nagpahayag nang pangamba si Jerome sa posibleng mangyari sa kanyang showbiz career.

Nasabi niyang dahil baguhan pa lang siya, nakaramdam daw siya ng takot kung ano ang posibleng mangyari sa kanyang career kapag nagtapos na ang dating TV series nila na pinagbidahan nina Jodi Sta. Maria at Richard.

Kaya naman understandable ang kagalakan ni Jerome sa pagiging bahagi niya ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita? Ang seryeng ito ay ukol sa apat na babaeng sumasalamin sa iba’t ibang mukha ng pag-ibig. Ito ay pinagbibidahan nina Denise Laurel, Jane Oineza, Loisa Andalio, at Vina Morales.

Tampok din dito sina Joshua Garcia, Aleck Bovick, Arron Villaflor, at Sue Ramirez. Ito ay mula sa direksyon nina Jeffrey Jeturian at Mervyn Brondial.

 

ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …