Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Investigation vs Binay para sa kapakanan ng LGUs — Sen. Koko

koko pimentelNILINAW ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III na gusto niyang isulong ang kanyang panukalang “Bigger Pie, Bigger Slice Bill” kaya ipagpapatuloy ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Sub-committee sa sinasabing overpricing ng Makati City Hall II Parking Building sa lungsod.

“Ang pangunahing interes ko sa imbestigasyong ito ay lehislatibo dahil meron akong pending bill na ‘Bigger Pie, Bigger Slice Bill’ na magkakaloob ng mas malaking resources sa Local Government Units (LGUs) kung magiging batas,” diin ni Pimentel. “Kaya wala akong ibang layunin kundi mabawasan kundi man lubos na mawala ang korupsiyon sa lokal na antas.”

Bilang tagapangulo rin ng Oversight Committee sa Local Government Code of 1991, may mandato rin si Pimentel na magsagawa ng masistema at malawak na pagrerepaso sa nasabing batas.

“Pero bago maging batas ang ‘Bigger Pie, Bigger Slice Bill,’ kailangang magsimula na tayong labanan ngayon ang korupsiyon sa lokal na antas,” diin ng senador mula sa Mindanao. “Ito rin ang dahilan kaya buo ang suporta ko sa mga programa ng Tanggapan ng Ombudsman para magwakas ang kabulukan at katiwalian sa lokal na antas.”

Pinabulaanan din ni Pimentel na isang persekusyon sa pamilya ni Vice President Jejomar Binay ang imbestigasyon at nilinaw na umaasa siyang matapos ito ay makapagpapanukala siya ng mga batas para mapabuti ang pamamahala sa LGUs.

“Mahalaga at kailangan ang imbestigasyong ito para mabatid natin ang katotohanan at ang katotohanan ay tiyak na kailangan para magkaroon ng kaliwanagan ang buong bansa,” dagdag ni Pimentel.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …