Monday , December 23 2024

Facebook, Instagram users nabulabog sa service outage

FB instagram shutdownNAKARANAS nang mahigit isang oras na service outage ang Facebook at Instagram users sa iba’t ibang panig ng mundo nitong Martes.

Sa Filipinas, dakong 2 p.m. nang magsimula ang aberya sa serbisyo ng dalawang social media platform.

Sa Facebook, hindi ma-access ng users ang kanilang account at mga salitang “Sorry, something went wrong” at “This webpage not available” lang ang mababasa.

Agad nag-top worldwide trending topic sa micro-blogging site na Twitter ang mga hastag na “facebookdown.”

Wala pang inilalabas na paliwanag ang Facebook ngunit nag-abiso ang Instagram na inaayos na nila ang problema. Dakong 3:13 p.m. nang magbalik ang serbisyo ng Facebook at Instagram sa Filipinas.

Sa ulat ng BBC, naranasan din ang parehong service outage ng Facebook users sa USA, France, Australia, Spain at Singapore.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *