Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angelica, nagpaparamdam na raw na gusto nang magpakasal; Lloydie, deadma lang

ni ROMMEL PLACENTE

012815 Angelica Panganiban lloydie

NAIINGGIT pala si Angelica Panganiban sa kanyang kaibigang si John Prats dahil engaged na ito at malapit nang ikasal kay Isabel Oli. Gusto na rin niyang maging engage sila ng boyfriend niyang si John Lloyd Cruz.

Natatawa niyang ikinuwento sa interview niya sa Aquino & Abunda Tonight, na minsan daw ay nagpapapansin siya kay Lloydie. Sinusukat daw niya ang singsing ng pinsan nito at sinasabi niya rito na magkasukat sila. Ipinaririnig niya raw talaga ‘yun kay Lloydie, pero deadma lang daw ito na parang walang narinig.

Well, malay ni Angelica, baka sorpresahin na lang siya bigla ni Lloydie at bigla itong mag-propose sa kanya. Abangan niya na lang ‘yun at tiyak mangyayari rin naman ‘yun. Mahal na mahal naman siya ni Lloydie kaya siguradong pakakasalan siya nito. Sana nga, ‘di ba?

Kung mangyayari ‘yun, siguradong magiging masayang-masaya ang aktres dahil halata naman sa kanya na si Lloydie na ang gusto niyang makatuluyan base na rin sa interview niya sa show nina Kris Aquino at Boy Abunda.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …