Bukod sa Queen of All Media na si Kris Aquino na very vocal sa paghanga kay Aleng Maliiit Ryzza Mae Dizon, humahanga rin at nakukyutan sa child superstar na alaga ng COO at Vice President ng Tape Incorporated na si Ma’am Malou Choa-Fagar ay sina Anne Curtis, Xian Lim, hottest loveteam ng Kapamilya network na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo atbp.
Sa sariling morning talk show naman ni Ryzza sa GMA 7 na “The Ryzza Mae Show,” na mapanonood Lunes hanggang Biyernes bago mag-Eat Bulaga (ka-join rin araw-araw si Aleng Maliit), lahat ng kanyang naging celebrity guests, mapa-beterano man o baguhan like Queen of Philippines Movies Susan Roces, our Superstar Nora Aunor, Star for All Seasons Gov. Vilma Santos, Diamond Star Maricel Soriano etc., ay naging instant na mga tagahanga ng Kapuso childstar host. Sino ba naman kasi ang hindi mapapabilib sa batang ito na dahil sa husay at galing sa pagho-host ng programa ay nabigyan ng titulong “The Smallest and Youngest TV Talk Show Host” at tumanggap pa ng kaliwa’t kanang mga parangal. Dalawa ang awards na tinanggap niya sa magkasunod na taon mula sa EdukCirlcle Awards noong 2013 na ginawaran siya bilang “Best Talk Show Host” para sa kanyang The Ryzza Mae Show at “Most Influential Film Childstar of The Year” naman last 2014. Siya (Ryzza) rin ang nakakuha ng mara-ming boto para sa “Childstar of The Year” ng 2013 Yahoo OMG Awards. Nabigyang parangal din ang isa sa kanta niya sa album kasama sina Jose at Wally para sa ChaCha Dabarkads, na napiling “Best Novelty Song” ng 2014 PMPC Star Awards for Music at last December naman, si Ryzza ang itinanghal na “Best Child Performer” ng Metro Manila Film Festival Awards Night para sa mahusay niyang pagganap sa trilogy movie nila ni Bossing Vic Sotto, Marian Rivera, Pauleen Luna at Alonzo Muhlach na “My Big Bossing,” na naging top 3 sa malalakas na pelikula sa nasa-bing festival. Sobrang dami rin ng endorsements na ginawa ni Ryzza last year at marami siyang naka-line up na TVC this year. ‘Yung kanyang morning show naman ay tuloy-tuloy ang pagbibi-gay kasiyahan ni Aleng Maliit sa kanyang TV viewers na two years na niyang kasama sa tuwa at saya sa paglo-look up. Bukod sa kanyang daily celebrity guest na majority ay ginagaya niya ang pag-arte, pagkanta, at pagsayaw ay namimigay rin ng papremyo ang bulilit host sa kanyang mga lucky studio audience. Si Poochie Rivera ang director ng The Ryzza Mae Show.
May aliw factor gyud!
ni Peter Ledesma