Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ai Ai, lilipat ng TV5; pagsisi sa lovelife kaya ‘di kumita ang movie, ‘di raw ma-take

ni Ronnie Carrasco III

091914 aiai delas alas

BY April this year, magkakaroon ng common denominator sina Sharon Cuneta, Ogie Alcasid, Derek Ramsay, at Ai Ai de las Alas. And what?

Ayon sa aming reliable source, lilipat na si Ai Ai sa TV5!

However, the comedienne’s exit won’t take place until this April dahil doon pa lang mag-e-expire ang kanyang kontrata sa ABS-CBN. All along, inakala ng hitad na nagtapos na ang kanyang kontrata sa pagtatapos ng 2014.

Ang kasunod na tanong siyempre, bakit siya lilipat? As we all know, ABS-CBN has been home to Ai Ai more than a decade now.

Sinagot ng aming source ang tanong na bakit. Ai Ai was reportedly miffed when called by the Star Cinema only to make her explain kung, “Bakit P30 million lang ang kinita ng movie n’yo nina Kim (Chiu) at Xian (Lim)?” Of course, sa standards ng typical Star Cinema film, generating P30-M in net profit is like a pouch of coins.

Okey na raw sana ‘yun sa kanya tila isinisisi ang mababang kita ng pelikula, pero sinusugan pa raw ito ng komentong, “Kasi naman, Ai Ai, puro lovelife mo na lang ang nagiging sentro ng publicity, eh!”

Doon na raw na-bad trip ang hitad. Okey na raw sana ‘yung tila naburang lahat ang perang iniakyat niya sa kaban ng Star Cinema, but to heap the sole blame on her just because her lovelife was dragged into the fray, teka muna.

BAKIT TV5 AT HINDI GMA?

Himutok ni Ai Ai, ipatawag daw ba siya ng Star Cinema para ibutas laban sa kanya ang kanyang lovelife?

Buwelta namin sa aming source, bakit sa TV5 at hindi sa GMA to think Ai Ai came from GMA? At nasa GMA rin nakakontrata ang kanyang anak na si Sancho Vito?

Does Ai Ai think she’ll be happier with the Happy Network? Sagot ng aming source, “Happier? Well, ang alam ko, Ai Ai will be happier when she leaves ABS-CBN!”

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …