2 engineer itinumba
hataw tabloid
January 28, 2015
News
PINAGBABARIL hanggang mapatay ang dalawang engineer sa dalawang magkahiwalay na lugar kahapon.
Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang electrical engineer na empleyado sa Central Pangasinan Electric Cooperative (CENPELCO) sa San Carlos City kahapon ng umaga.
Ang biktima ay kinilalang si Jose Viray, 40, residente ng Brgy. Dorongan-Punta, sa bayan ng Mangatarem, ayon sa report ni Supt. Charlie Umayam kay PNP Provincial Director, Senior Supt. Reynaldo G. Biay.
Sa imbestigasyon ng mga pulis, naglalakad sa harapan ng opisina ng CENPELCO ang biktima nang bigla siyang lapitan ng dalawang armadong suspek na lulan ng motorsiklo at ilang beses siyang pinaputukan dakong 8:40 a.m.
Sinabi ni Chief Inspector Gregorio Abungan, deputy chief of police, politika ang iniimbestigahan nilang motibo sa pamamaril sa biktima dahil nagbabalak siyang kumandidato bilang kapitan sa kanilang barangay sa 2016 elections.
Si Viray ay kapatid ni Barangay Kagawad Dionisio Viray na pinagbabaril at pinatay rin ng dalawang riding in-tandem sa loob ng barangay hall sa kanilang barangay nitong gabi ng Enero 5 (2015).
Samantala, nalagutan ng hininga sa pagamutan ang isang OIC city engineer ng Lungsod ng Meycauayan, Bulacan, makaraan pagbabarilin ng dalawang lalaking sakay ng isang motorsiklo habang nagmamaneho ng kanyang kotse sa Brgy. Calvario sa nasabing lungsod kahapon ng umaga.
Kinilala ang biktmang si Engineer Rey Rivera, 50, residente sa nabanggit na barangay.
Sa imbesitasyon, dakong 9 a.m., patungo ang biktima sa munisipyo nang bigla siyang pagbabarilin ng riding in-tandem.
Wala pang masilip na motibo ang pulisya kaugnay sa insidente.
Jaime Aquino/Daisy Medina