ni Vir Gonzales
KINILABUTAN kami at muntik mapaiyak noong makita ng personal ang Sto. Papa Pope Francis sa parade niya sa Espana St. sa may UST. Basang-basa kami sa ulan, pero wala kaming pakialam basta maabangan lamang naming ang pagdaan niya. Nakabibingi ang sigawan ng mga tao habang dumaraan siya sa harap namin.
Bigla, nagbago ang pananaw namin sa buhay, para kaming na-inspired. Isa-isang dumating ang mga raket at blessings. Super tuwa kami, ang nakaka-turn off lang, habang dumaraan na ang Pope, naglobat ang tablet namin. Pero okey lang, basta nakita namin siya after 20 years, sapat na!