HINDI raw isinasara ni Onemig Bondoc ang pagbabalik-showbiz pero hindi raw sa panahong ito na may pinagdaraanan siya.
Matatandaang noong nakaraang linggo ay nag-file siya ng sole custody sa Quezon City Trial Court laban sa kanyang estranged wife na si Valerie Bariou.
Sa huling pakikipag-usap namin sa aktor sinabi niyang nasa poder pa rin niya ang dalawang anak at patuloy ang pakikipag-usap niya sa mga abogado kung ano ang nararapat.
Inamin din niya na si Valerie ang unang nag-file ng annulment at hindi siya. Sa development ng kaso, nangako naman si Onemig sa amin na babalitaan kami.