Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jessica Soho, nag-cancel daw ng interview para kina Marian at Dong

ni Alex Brosas

012715 jessica soho dingdong marian

MAYROONG blind item na lumabas sa Fashion Pulis na tila ang tinutukoy ay sina Dingdong Dantes, Marian Something, at Jessica Soho.

Ang chika, maraming network artists ang sinabihang mag-participate sa isang grand event ng certified prized stars ng studio. Ang inisip ng marami ay ito ang wedding ng magdyowang Dingdong and Marianita.

Hindi raw nakalusot ang isang media personality. Kara-karakang inutusan siyang gumawa ng isang parang tribute sa magdyowa. Naloka ang media personality dahil mayroon siyang naka-schedule na interview noon pero pinagsabihan siya ng kanyang mga bossing na unahin ang interview sa prized stars ng kanilang network. Walang nagawa ang media personality kundi i-cancel muna ang interview niya sana sa isang grupo ng mga kabataan na galing pa sa malayong probinsiya at dumayo pa sa Maynila para lang sa nasabing panayam.

Ang hula ng marami, si Jessica ito dahil mayroon nga siyang special episode about the couple aired weeks ago.

Ang chika sa blind item, naimbiyerna ang mga bagets. Imagine, ilang milya nga naman ang nilakbay nila tapos biglang na-cancel ang kanilang interview all because of the special interview sa magdyowa. Mabuti na lang daw at inabonohan ng network ang ipinamasahe nila.

True ba ito, Jessica? Aba, kung totoo ito ay capable pala ang network na mag-cancel ng interview mo in favor of your station’s prized stars? Parang nabalewala ang pagiging executive mo ng GMA News, Jessica? Wala kang nagawa, Jessica?

Nakakaawa ang mga bata kung true nga na biglang-bigla ay na-cancel ang interview ni Jessica sa kanila.

Any comment, Jessica? Or GMA?

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …