Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

House Bill 3161 tinutulan ng Zero Waste group

incinerator07TINUTULAN ng Zero Waste Recycling Movement of the Philippines, Foundation Inc./Zero Waste Philippines (ZWMPFI / ZWP) ang House Bill 3161, na iniakda ni Congressman Edgar Erice na naglalayong pahintulutan ang paggamit ng incinerator sa pagsunog ng municipal wastes.

Sa position paper na ipinadala sa House Committee on Ecology na pinamumunuan bilang chairman ni Cong. Amado Bagatsing, ipinunto ng grupo sa kanilang pagtutol sa incineration, ang tanong kung magkano ang magagastos sa installation, maintenance at operasyon ng incineration facilities, at marami pang tanong  at  mga isyu sa epekto sa kalusugan at kapaligiran ng paggamit ng incinerator.

Nanindigan ang ZWMPFI, sa pangunguna ng founder nito na si Luz Sabas, sa pagsuporta sa ‘Zero Waste way of life’ bilang paraan ng pagtugon sa waste ma-nagement, global warming at problema sa climate change, at tutol sa pagsisiga sa mga basura na anila’y pagsasayang din ng resources. Aniya, ang waste management “is not actually an environment problem but a matter of housekeeping”.

Ang installation, maintenance at operasyon ng incinerator ay kailangan ng incineration system na ga-gamit ng milyon-milyong pondo. Sa 3,000 ton capa-city incinerator pa lamang para sa medium sized city ay kailangan ng $100 mil-yon, sa maintenance (sa Ames, Iowa), $6.75 million annually. Sa Detroit, ang lifetime cost ay lagpas pa ng $1 billion. Noong 1985, ang incineration plant sa New York, ay kailangan na agad ng pagkumpuni sa unang taon pa lamang ng operas-yon, ayon kay Gonzalo Ca-tan Jr., presidente ng grupo.

Ilang dekada na ang nakararaan, ang incinerator sa Quezon City (nagkakahalaga ng P150,000,000.00) ay umabot lamang ng ilang buwan bunsod ng epekto nitong polusyon sa kapaligiran.

Ang Zero waste technology ay itinatadhana ng Republic Act 9003, ang Ecological Solid Waste Management Act.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …