Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Caretaker ng lupa pinatay sa bugbog  

112514 crime scenePATAY ang isang 61-anyos caretaker ng lupa makaraan pagtulungan bugbugin ng mga pamangkin ng kanyang amo sa loob ng barangay hall sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Hindi na umabot nang buhay sa Caloocan City Medical Center ang biktimang si Nestor Vargas, ng 32 Everlasting St., Brgy. NBBS, Navotas City.

Agad naaresto ang dalawa sa tatlong mga suspek na sina Jasmin Pido at Diana Katolico, kapwa residente ng 110 Doña Consuelo St., Brgy. 19 ng nasabing lungsod, habang pinaghahanap si Braulio Pido, mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Batay sa ulat ni PO2 Joy Alcoriza, dakong 10:30 a.m. nang maganap ang insidente sa loob ng barangay hall ng Brgy. 19 ng nasabing lungsod.

Nakikipag-inoman ang biktima sa kanyang mga kaibigan nang sumulpot mag-asawang sina Braulio at Jasmin Pido kasama si Katolico at pinagtulungang awayin si Vargas dahilan upang dalhin sila ng mga kagawad sa barangay hall.

Ngunit habang nasa loob ng barangay hall ay pinagtulungan bugbugin ng mga suspek ang biktima hanggang sa walang malay na humandusay si Vargas.

Isinugod ang biktima sa nasabing pagamutan ngunit hindi na umabot nang buhay.

Napag-alaman, caretaker ng lupain ng tiyuhin ng mga suspek si Vargas ngunit naipanalo sa korte ng biktima ang pagmamay-ari sa lupa na ikinagalit ng mga salarin.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …