Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bumugbog kay Vhong arestado

Ferdinand GuerreroARESTADO ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isa sa mga akusado sa pananakit sa TV host at actor na si Vhong Navarro, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Inaresto si Ferdinand Guerrero sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Taguig City Regional Trial Court dahil sa kasong grave coercion at serious illegal detention.

Kinompirma ni NBI Regional Anti-Illegal Drugs Division chief, Atty. Eric Isidoro ang pag-aresto kay Guerrero.

Si Guererro ay nadakip ng mga tauhan ng NBI sa condominium sa Ayala Avenue, Makati City, Linggo ng gabi.

Hinhintayin pa ng NBI ang magiging desisyon ng korte kung mananatili sa kanilang kustodiya o ililipat ng kulungan si Guerrero.

Sinasabing kasama si Guerrero ng grupo ng negosyanteng si Cedric Lee at modelong Deniece Cornejo na nanakit kay Navarro noong Enero 22, 2014 sa isang condominium sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …