Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

50 pulis, 6 MILF patay (Sa 10-oras na bakbakan sa Mamasapano)

FRONTCOTABATO CITY – Umabot na sa 50 kasapi ng PNP-Special Action Force (PNP-SAF) ang napatay sa sagupaan sa Brgy. Tukalinapao at Brgy. Inug-og, Mamasapano, Maguindanao.

Ito ang kinompirma ni PNP-Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) OIC regional director, Senior Supt. Noel Armilla.

Ayon kay Armilla, pinasok ng PNP-SAF ang Brgy. Tukanalipao at Brgy. Inug-og sa bayan ng Mamasapano para hulihin sana sina Zulkifli Bin Hir alyas Marwan at Kumander Basit Usman ng Jemmaah Islamiyah terrorist group na kapwa may patong sa ulo na US$5 milyon.

Ngunit biglang nakasagupa ng PNP-SAF sa Brgy. Tukanalipao ang mga miyembro ng 105th Base Command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at mga tauhan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Brgy. Inug-og.

Sampung oras tumagal ang palitan ng putok sa magkabilang panig gamit ang matataas na uri ng armas.

Humupa lamang ang enkwentro nang dumating ang GPH-MILF Ceasefire Committee at International Monitoring Team (IMT).

Inamin ng militar na nahirapan silang magresponde dahil wala silang kontak sa PNP-SAF na hindi nakipag-ugnayan sa kanilang puwersa sa Maguindanao.

Sa napatay na  mga miyembro ng elite force ng PNP, anim dito ay mga opisyal na may ranggong lieutenant, captain, police major at isang colonel (superintendent).

Sinabi ni MILF Military Affairs chief Von Alhaq, anim sa kanilang hanay ang napatay at pito ang nasugatan.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng GPH-MILF Ceasefire Committee sa naturang insidente. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …