Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tactical alliance kay Erap, Poe puwede — Ka Satur

FRONTMAY tsansa na magkaroon ng tactical alliance ang maka-kaliwang grupo at ang pinatalsik nilang pangulo noong 2001 na si convicted plunderer at Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada sa 2016 presidential elections.

Ayon kay dating National Democratic Front (NDF) consultant at dating Bayan Muna partylist Rep. Satur Ocampo, mangyayari lang ang nasabing senaryo kapag tinupad ni Erap ang pangakong susuportahan ang presidential bid ni Sen. Grace Poe na aayudahan din ng maka-kaliwang grupo sa 2016.

“Kung saka-sakali, tactical lang ito pero hindi long term dahil ang tactical target ng aming grupo ay makapagpanalo ng presidential candidate. Ngunit sakaling hindi tutupad si Poe sa mga pangakong pag-ayuda sa mga programa ng aming grupo, tatanggalin namin ang suporta sa kanya,” ani Ocampo.

Ginawa na aniya ito ng kanilang pangkat nang suportahan si Gloria Macapagal-Arroyo bilang kapalit ni Erap na pinatalsik ng EDSA People Power 2, ngunit binawi rin nila nang hindi tuparin ni GMA ang mga ipinangako sa kanila.

Sa kabila nang pagbasura ng Korte Suprema sa disqualification case , naniniwala si Ocampo na tuluyang babagsak ang popularidad ni Erap kapag tinalikuran ang pangako kay Poe at ilarga ang sariling 2016 presidential ambition.

Pero sa kabila aniya na pinatalsik si Erap ng EDSA 2, nakulong at nahatulan sa kasong pandarambong at binigyan ng presidential pardon ni Arroyo ay tila hindi natuto sa naging mga karanasan.

“Kung natuto siya sa kanyang karanasan , bilang ama, bakit naulit ‘yung kanyang “Jose Velarde” sa anak niyang si Sen. Jinggoy Estrada ang kasong plunder sa PDAF scam? “ giit ni Ocampo.

Ang pagpirma ni Erap bilang Jose Velarde sa isang multi-billion peso bank account kung saan nakadeposito ang kanyang jueteng kickback ay isa sa mga naging basehan nang hatulan siyang guilty sa plunder case.

Si Jinggoy naman, batay sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) report, ay pumirma bilang Juan Ng sa mga inisyung multi-milyong tseke bilang kickback niya sa kanyang pork barrel.

Sa kalagitnaan ng taong kasalukuyan, inaasahang ihahayag ng maka-kaliwang grupo ang kanilang mamanukin sa 2016 presidential derby.

Rose Novenario

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …