ni Ambet Nabus
PUMUTOK na rin sa social media ang umano’y dahilan kung bakit pinalabas na nagpaalam sa The Voice si Joniver Robles, mula sa Team Kawayan ni coach Bamboo.
Noong Sunday kasi ay ini-anunsiyo ng coach ang desisyong hindi na makakasali sa battle rounds with other teams ang isa sa mga pambato ng team niya dahil daw sa ‘personal’ na rason.
Kaya ang tinalo nitong si Rita Martinez ang magti-take ng post as per the rule ng show kahit pa nga may iba sigurong gustong ipasok si coach Bamboo.
Ang sinasabing dahilan umano ni Joniver ay ang pag-violate raw nito sa rule na bawal mag-post ng resulta hangga’t hindi pa umeere ang show. Pinabulaanan naman ito ng “napalitang” contestant at sinabi pang nag-iimbento ng kasinungalingan ang mga nagpaparatang sa kanya.
Anupaman ang naganap, malinaw na si Rita ang makikinabang ng supposedly ay dapat para kay Joniver kaya’t dapat niya itong pag-ingatan. ‘Yun lang ‘yun mareh!!!