ni Letty G. Celi
I am blessed. ‘Yan ang naramdaman ko sa panonood ko ng coverage ng arrival hanggang sa pag-alis ng People’s Pope na si Pope Francis o si Lolo Kiko. Lalo na sa lahat ng mga lugar na pinuntahan niya, especially sa Tacloban at sa Palo, Leyte. Sa mga lugar na dinuhapang ng bagyong Yolanda noong2013. Pero, mas damang-dama natin ang salita ng Diyos sa ginawa niyang mga misa. Nakakikilabot. Iniyakan ko yaong last mass noong Linggo sa parte ng dalawang batang alaga ng Don Bosco Foundation.
Grabe ang tama sa akin, lalo na roon sa young girl na nagtanong sa Diyos tungkol sa kahirapan ng buhay. Dalawang tanong na nagpa-iyak sa taong nanonood ng TV. Alam ninyo ‘yung kumpas ng kamay ni Pope Francis sa mga libo-libong taong dinaraanan ng Pope mobile na sakay siya. ‘Yung tipong hindi mo siya kakikitaan na pagod na siya sa rami ng pinuntahan niya at activities na ginawa. Sobrang maaliwalas ang mukha. Napakaraming tao ang nag-gather para makita siya. Sabagay, halos lahat ng Filipino at Katoliko, puwera na lang siguro roon sa mga hindi nagpunta. Pero, no need naman na maging devoted Catholic ka para ‘di ka sumalubong sa kanya. Viva Papa Francis! God bless us all!
***
BELATED Happy Feast daw, Mahal na Santo Nino! Pray for us!