Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kulong kay Binay et al sagot ng Blue Ribbon mother committee  

111214 binayNAKATAKDANG desisyonan sa Lunes ng mother committee ng Blue Ribbon ang rekomendasyon ni Senador Koko Pimentel, pinuno ng sub-committee na i-contempt at ipaaresto si Makati City Mayor Junjun Binay at ilan pang mga opisyal at indibidwal sa lungsod ng Makati.

Ayon kay Senador Teofisto Guingona, pinuno ng mother committee, pupulungin niya ang mga miyembro ng komite at kanilang dedesisyonan o pagbobotohan sa Lunes kung ano ang magiging kapalaran ng rekomendasyon ni Pimentel.

Sinabi ni Guingona, hahayaan niya ang bawat senador na magbigay ng paliwanag sa kanilang magiging boto kung nais nila at ang kanilang komento ukol sa rekomendasyon ni Pimentel.

Bukod kay Binay, ipinako-contempt din ni Pimentel sina Ebeng Baloloy, dating Makati City Administrator Marjorie de Vera, Professor Thomas Lopez, city Engineer at iba pa.

Inirekomenda ni Pimentel ang contempt dahil sa patuloy na pang-iisnab ng mga nabanggit sa paulit-ulit na imbitasyon ng komite para magbigay ng paliwanag ukol sa kontrobersyal na Makati City Hall Bldg. Parking 2 at iba pang mga anomalya na kinasangkutan ng lungsod simula noong si Vice President Jejomar Binay pa ang alkalde ng lungsod.

Niño Aclan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …