Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Katorse 3 beses ginahasa ng textmate

111114 rapeCAUAYAN CITY, Isabela – Pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang 21-anyos magsasaka na sinampahan ng kasong rape in relation to Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law, ng kanyang 14-anyos textmate.

Ang suspek na itinago sa pangalang Dencio ay residente ng isang barangay sa San Mariano, Isabela, habang ang biktima ay residente sa Alicia, Isabela.

Ayon kay SPO3 Laila Laureaga, hepe ng Children and Women Protection Desk ng Alicia Police Station, ang dalagita kasama ang kanyang lola ay nagreklamo hinggil sa tatlong beses na panggagahasa sa kanya ng suspek.

Inamin ng dalagitang itinago sa pangalang Kris, naging magkasintahan sila ni Dencio sa pamamagitan ng pagpapalitan ng text messages.

Nakilala niya si Dencio noong Hulyo 25, 2014 nang magtungo sa kapistahan ng kanilang barangay sa San Mariano, Isabela.

Ang nanay ni Kris ay isang overseas Filipino worker habang ang kanyang tatay ay magsasaka sa bayan ng San Mariano.

Ang kanyang lola ang madalas na kasama niya sa kanilang bahay.

Nangyari aniya ang pagsasamantala sa kanya ni Dencio nang magkakasunod na beses siyang bisitahin sa kanilang bahay sa bayan ng Alicia na nagsimula noong Nobyembre 18, 2014.

Hindi agad nagsumbong si Kris sa kanyang lola hinggil sa panggagahasa sa kanya ng kanyang textmate makaraan magbanta na sila ay papatayin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …