Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kasong criminal vs warehouse owner, contractor

waltermart plaridelSASAMPAHAN ng kasong kriminal ang contractor at may-ari ng ginagawang warehouse sa Guiguinto, Bulacan.

Ang ginagawang pader ng warehouse ay gumuho na ikinamatay ng 11 katao kasama ang isang buntis, at ikinasugat ng ilang katao.

Siniguro ni Bulacan Gov. Wilhelmino Alvarado na mananagot sa batas ang lahat ng responsable sa krimen.

Dagdag ng gobernador, batay sa nakuhang impormasyon, pag-aari ng Korean business group ang warehouse na ipaparenta sana sa grupo ng Korean traders para sa bag manufacturing.

Nakitaan din ang employer ng ilang paglabag sa pagpapatayo ng warehouse dahil wala itong safety, health program, at wala ring safety officer o safety engineer sa proyekto.

Dahil dito, pinahaharap ang principal employer na Number One Golden Dragon Realty, sub-constructor na Hoclim Company Construction Corporation para sa compliance report.

Samantala, nagsasagawa na rin ng hiwalay na imbestigasyon ang Department of Trade and Industry (DTI) na pinangunahan ni provincial director Zorina Aldana, para malaman kung pumasa sa quality standards ang mga ginamit na materyales.

Hindi rin nila inaalis ang posibilidad na nakaapekto ang tumamang lindol noong nakaraang linggo o hindi kaya’y ang malambot na lupa ang dahilan ng pagguho.

M. Bautista

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …