Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

KWF sa CHED: Mandato ng Konsti hinggil sa Wikang Pambansa tupdin

komisyon sa wikang filipinoIGINIIT ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na itaguyod ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED) ang wikang Filipino at ang karapatan sa seguridad sa trabaho ng mga guro ng Filipino sa tersiyarya. Ito ay ayon sa liham na may petsang Disyembre 19, 2014 at ipinadala ng KWF, sa pamamagitan ni Tagapangulong Virgilio S. Almario, kay Tagapangulong Patricia B. Licuanan ng CHED.

Matatandaan na noong 27 Nobyembre 2014 ay naglabas ng pahayag ang CHED na paninindigan nito ang CHED Memorandum Order (CMO) Blg. 20, serye 2013. Dahil sa nasabing memo, libo-libong guro sa kolehiyo at unibersidad ang posibleng mawalan ng trabaho simula 2016 dahil sa pagkawala ng mga sabjek na ituturo.

Sa liham na ipinadala, itinanong ni Almario kung ano ang mga hakbang ng CHED upang “tupdin ang mandato ng 1987 Konstitusyon na mapalaganap ang wikang Filipino at maipagamit ito bilang wikang panturo sa mga kolehiyo at unibersidad” at nagmungkahing “pakinggang mabuti ng inyong Komisyon ang kasalukuyang karaingan ng mga guro sa Filipino at ang nakikinitang masamang epekto ng CMO No. 20 sa buhay ng libo-libong guro.”

Sinabi rin ni Almario na matagal nang nagsisikap magbukas ang KWF ng talakayan sa CHED hinggil sa Filipino sa tersiyarya at kaya ikinatuwa na magpapasimula na ito ng talakayan sa KWF.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …