Saturday , November 23 2024

Desisyon ng SC sa DQ vs Erap ilalabas ngayon

ErapNAKATAKDANG ilabas ngayong araw ang desisyon ng Supreme Court (SC) kaugnay ng petisyon para sa diskuwalipikasyon ni dating Pangulo at ngayon ay Manila Mayor Erap Estrada.

Ito’y makaraan iurong ang araw ng en banc session na dapat sana ay nitong Martes ngunit itutuloy na lamang ngayong Miyerkoles.

Ayon kay Atty. Theodore Te, tagapagsalita ng SC, hindi kasi nakagalaw patungong Taft Avenue area ang mga mamamahagi ng draft ponencias dahil sa limang araw na pagbisita ng Santo Papa sa bansa kung kaya napagkasunduang baguhin na lamang ang schedule.

Bukod dito ay kababalik pa lamang sa trabaho ng mga empleyado nitong Martes makaraan ang holiday noong Enero 15, 16 at 19.

Nabatid na submitted for resolution na ang naturang makontrobersiyang usapin sa diskuwalipikasyon ng alkalde ng Lungsod ng Maynila.

Kung maalala, ikinatwiran ng nagpetisyon laban kay Erap partikular ni dating Mayor Alfredo Lim, base sa kondisuyon ng pagbibigay pardon ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo makaraan ma-convict sa kasong plunder, hindi na maaari pang tumakbo si Estrada sa ano mang posisyon sa gobyerno.

Sa kabila nito, tiwala pa rin ang kampo ni Estrada na papaboran sila ng Korte Suprema.

Palasyo nakaantabay

INAANTABAYANAN ng Palasyo ang ilalabas na desisyon ngayon ng Korte Suprema sa disqualification case laban kay ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada.

Ito ang pahayag kahapon ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. hinggil sa pinakaaabangang pagboto ng 15 mahistrado sa en banc session ng Supreme Court sa disqualification case na inihain ni Atty. Alice Risos-Vidal laban kay Erap.

“Iginagalang namin bilang pantay at hiwalay na sangay ng pamahalaan ang hudikatura,” sabi pa ni Coloma.

Nauna nang itinakda ang botohan sa kaso noong nakaraang buwan ngunit humiling ng ilang mahistrado ng dagdag na panahon upang mapag-aralan ang ponencia na iniakda ni Associate Justice Marvic Leonen, nagsasaad na diskuwalipikadong kandidato si Erap kaya’t walang bisa ang kanyang pagtakbo noong 2013 elections, gayondin ang kanyang pagkaluklok bilang alkalde ng Maynila.

Batay sa iniligwak na sinasabing desisyon ni Leonen, conditional pardon ang ipinagkaloob ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at ang nakasaad dito’y hindi siya pwedeng kumandidato habambuhay, gaya na rin nang itinatadhana sa Revised Penal Code.

Ayon pa aniya kay Leonen, kung ang diskuwalipikasyon ay batay sa pagkansela  ng certificate of candidacy base sa ele-gibility ng isang kandidato, ang papalit ay ang kandidatong pumangalawa noong 2013 elections.

Si Mayor Alfredo Lim ang bukod-tanging nakatunggali ni Erap sa 2013 Manila mayoralty polls.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *