Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Roxas, panauhing pandangal sa 116th anniversary ng Malolos Republic

roxas bulacanPangungunahan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas ang pagdiriwang ng ika-116 anibersaryo ng pagpapasinaya sa Unang Republika ng Pilipinas sa simbahan ng Barasoain sa Biyernes, Enero 23, sa Malolos City, Bulacan.

Ayon kay Barasoain National Shrine curator Ruel Paguiligan, magsisimula ang programa ganap na 8:00 ng umaga sa pagtataas ng bandila ng Pilipinas  at pagtugtog ng pambansang awit kasunod ng pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Heneral Emilio Aguinaldo.

Nabatid mula  sa National Historical Commission of the Philippines, pinasinayaan ang Unang Republika ng Pilipinas na kilala rin bilang Malolos Republic noong Enero 23, 1899 sa simbahan ng Barasoain kung saan nanumpa si Aguinaldo bilang Pangulo ng kauna-unahang malayang republika sa buong Asya.

Nakasentro ngayong taon ang pagdiriwang sa temang “Lakas ng Republika sa Harap ng Nagbabagong Panahon Tungo sa Tuwid na Daan.”

Kaugnay nito, inihayag ni DILG Undersecretary Tomasito Villarin na matapos ang pagdiriwang sa Malolos ay magsasadya si Roxas sa San Jose del Monte City para lumagda sa isang Memorandum of Agreement kasama si Mayor Reynaldo San Pedro para sa pabahay ng informal settler-families (ISFs) na nakatira sa mapanganib na lugar sa Metro Manila upang magkaroon ng tahanan sa nasabing lungsod. Sentro ng mga pabahay  para sa ISFs ang San Jose del Monte City dahil doon din inilipat ng DILG ang mga pamilyang nakatira sa tabi ng ilog sa San Juan City mahigit isang taon na ang nakararaan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …