Thursday , December 26 2024

Let’s give credit to NCRPO Director Gen. Carmelo Valmoria

00 rex target logoKUNG ang success ng 2015 Papal Visit ang pag-uusapan, maraming taong-gobyerno at simbahan pati na ang kabuuan ng mamamayan ang nagtulong-tulong para mairaos nang mapayapa at matagumpay.

Sa hanay ng pulisya, isa sa masasabi nating naging punong-abala ay si NCRPO Director, General Carmelo Valmoria.

Isang linggo bago ang aktuwal na pagdating ng Sto. Papa, halos hindi na umuuwi ng kanilang tahanan ang hepe ng NCRPO.

Abala na sa pagbusisi ng bawat hakbanging nakaatang sa mga balikat ng pulisya partikular ng buong police command ng NCRPO na nakasentro ang karamihan sa engagements ni Pope Francis.

Bukod sa kabi-kabilang pagpupulong sa kanyang mga opisyal at tauhan sa buong Metro Manila, may meeting pa si General Valmoria sa mga kinatawan ng simbahan partikular na sa mga taga-CBCP.

Bukod ito sa pang-araw-araw na gawain ng pulisya ng NCR na hindi dapat kalimutan at kaligtaan.

Alam ni Valmoria na bagama’t kailangang tutukan ang preparasyon para sa pagdating ng Sto. Papa, equally important din ang 100% police vigilance in maintaining the peace and order situation at ma-contain ang lahat ng uri ng kriminalidad gaya ng mga nakawan, kidnapping, carnapping and even street crimes. Hindi kasi magiging maganda kung may malaking insidente ng krimeng magaganap bago ang aktuwal na pagdating ng Papa.

Puwede itong maging dahilan para makansela ang Papal Visit due to security reasons.

So in between those heavy preparations for the Papal Visit, Gen. Valmoria sees to it that no breach in peace and order will occur.

Ito ang hindi madaling gawin. Kailangan dito ang isang eksperto sa time management na hanga at saludo tayo sa mamang heneral na si Valmoria.

In short, isa si Valmoria sa maraming indibidwal na pinagkakalooban natin sa araw na ito ng papuri at pagkilala para sa isang napakahusay na pag-manage sa pagbisita ng Sto. Papa sa ating bansa. Hindi birong kontribusyon ang naiambag ng pulisya sa isa sa mga biggest events na ang Pilipinas ang naging host. We give due credits to our IDOL Gen. Valmoria!

Congratulations sir for a job well done!

Muli, napatunayan ni Gen. Valmoria kung bakit isa siya sa mga batang heneral na pinag-iisipang pamunuan ang pwersa ng Philippine National Police (PNP) kapalit ng magreretirong si Gen. Alan Purisima.

Gen. Valmoria deserves to lead the 100,000 strong PNP!

Saklaan sa Tondo biglang nagsulputan

Parang mga kabute na nagsulputan ang mga puwesto ng saklaan sa buong Tondo ilang araw bago sumapit ang Kapistahan ng patrong Sto. Niño ngayong Linggo, Enero 20.

Isa umanong Rey Robles ang nagsilbing conduit ng isang LITA MALABON na financier ng pasaklang ito at nang mahigit sa 20 barangay chairmen ng Tondo.

Ilegal na sugal ito na tinututulan hindi lamang ng simbahan kundi ng ilang kilalang politiko ng lungsod.

Nakarating na ang reklamo sa pagdami ng mga saklaan sa Tondo sa tanggapan ni DILG Secretary Mar Roxas at pinag-utusan nito si Asec. Bong Mangahas na makipag-ugnayan sa opisina ni NCRPO Director Carmelo Valmoria para hulihin ang lahat ng puwesto ng sakla sa nasabing lugar.

Agad naman nag-isyu ng memorandum si Valmoria na nag-uutos kay MPD Director Rolando Nana na magsagawa ng operasyon at hulihin ang lahat ng saklaang makikita sa bisinidad ng Tondo.

Ngunit hindi umano ito sinunod ni Colonel Nana at ng Station Commander ng MPD Station 1 & 2 na sina Colonels Jackson Tullao dahil na rin sa kautusan ng isang mataas na opisyal ng Manila City Hall.

Nagmistulang walang silbi ang memo ni General Valmoria at imbes hulihin ay lalo lamang dumami ang puwesto ng mga saklaan ni LITA MALABON sa Tondo.

Posible umanong naipit sa politika ang mga opisyal ng pulisya ng Maynila dahil mula umano sa tanggapan ni DILG Sec. Mar Roxas na miyembro ng Liberal Party (LP) ang request na hulihin ang mga saklaan sa Tondo samantala kaanib naman ng kalaban sa politika ni Roxas si Mayor Erap Estrada na miyembro naman ng United Nationalists Alliance (UNA).

Sinasabing isang matalik na kaibigan ni Mayor Erap Estrada na kinilalang si JESSE VICEO ang sinasabing utak ng mga ilegal na sugal na lantarang namamayagpag ngayon sa lungsod ng Maynila.

Kay VICEO umano kumuha ng prangkisa sa ilegal na sugal ang REYNA ng sakla na si LITA MALABON.

Hindi umano bababa sa dalawampung (20) barangay chairmen sa Tondo ang nagbigay ng permiso upang ilatag sa kani-kanilang mga barangay ang saklaang ito ni LITA MALABON sa tulong na rin umano ng isang REY ROBLES.

Kung hanggang kailan dededmahin ni Colonel Nana ang direktang kautusan ni NCRPO Director Carmelo Valmoria ay hindi natin batid pero ang sigurado tayo, namumula ang hasang ng ilang barangay chairmen ng Tondo na direktang minamantikaan ng grasya nitong sina LITA MALABON at REY ROBLES.

Kung kayang itaya ni Col. Nana ang kanyang puwesto at propesyon nang dahil sa punyetang sakla, ay ating susubaybayan.

Tingnan lamang natin kung hindi umusok ang ilong nitong si General Valmoria kapag nabatid niyang mistulang basura pala para kay Col. Nana at sa kanyang station commanders ang memo ng NCRPO Director.

Minsan kasi iba talaga kung kumumpas ang puwersa ng pera, kahit matinong opisyal na gaya ni Col. Nana ay kayang silawin at busugin hehehe!

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR” Monday to Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *