Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dinamita pinasabog sa sarili ni mister (Misis, anak kritikal)

082714 police line crimeLEGAZPI CITY – Suicide ang isa sa tinitingnang mga anggulo ng mga awtoridad sa pagsabog ng dinamita sa lalawigan ng Catanduanes kamakalawa.

Kinilala ang mga biktimang si Jason Icaranom, 42, napag-alamang binawian na ng buhay, live-in partner niyang si Geneva Barro, 17, at ang kanilang 2 buwan gulang na si Genson Jing Barro, kapwa kritikal ang kalagayan sa ospital.

Ayon kay Insp. Darwin Sevilla, OIC ng Pandan Municipal Police Station, lumalabas sa kanilang imbestigasyon na sinadya ng padre de pamilya ng mag-anak na pasabugin ang dalang improvised explosive device.

Napag-alaman, binawi si Barro ng kanyang mga magulang mula kay Icaranom dahil hindi kayang buhayin ang kanilang anak.

Si Icaranom ay dating mangingisda ngunit ngayon ay hindi na makapagtrabaho nang maparalisa.

Sa imbestigasyon ng PNP, napag-alaman na tumungo ang suspek sa bahay ng mga magulang ni Barro sa Brgy. San Andres upang bawiin ang kanyang mag-ina ngunit makalipas ang ilang sandali ay bigla na lamang narinig ang malakas na pagsabog mula sa nasabing bahay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …